why hate a perfect stranger?


profile

A B O U T / / K A T ~



B A S I C / / F A C T S:

First of all, my name is Katrina. I'm the person behind ichiruki_renyuixv of Crunchyroll, caramelpixel and katkatkulit of Tumblr , Formspring and Plurk, kimikissu07 of LiveJournal , DeviantArt and Fanfiction.Net and kissloveheart of Mangafox.


I'm now 15, resides in Philippines. I'm a proud Filipina, proud to say it. I love sweets, as much as I love coffee. I'm fond of kids too, and puppies. And I love reading as much as writing. I'm writing fics in LJ and FF.Net so please drop by and read them.


music

accounts


thanks
© * étoile filante
inspiration/colours: mintyapple
icons: cablelines
reference: x / x

past
August 2008
September 2008
October 2008
November 2008
February 2009
November 2009
March 2010
April 2010
October 2010
title: Isang Araw ng Pagiging Adik.
date: Thursday, February 26, 2009
time:9:48 PM
Hindi ako pumasok, tinatamad kasi ako. Ewan ko kung bakit, pero, nafeel kong wag pumasok. Naninibago ako, siguro, dahil sanay akong pumasok araw araw. Pangatlong absent ko palang ito sa loob ng isang taon. Anyway, let’s get to the topic for today.

6:45 am.

sa mga oras na ito, kaaalis lang ng mga kapatid ko. Pasok agad at bukas ng computer. Nuod kaagad. In just one day, natapos ko ang 20 episodes ng currently addiction ko. Ang… (*drumrolls*)



KATEIKYOUSHI HITMAN REBORN!



The Reborn! story revolves around a boy named Tsunayoshi “Tsuna” Sawada, who is chosen to become the Vongola Family’s boss due to him being the great-great-great grandson of the first Vongola boss, who had moved to Japan from Italy during his time. Also, the other candidates for the position of the head of the Vongola Family died. For these reasons, Tsuna is the only remaining heir. As such, Timoteo a.k.a. “Vongola IX,” the current head of the family, sends Reborn, an infant hitman from Italy, to train Tsuna. Tsuna then unwillingly undergoes training from Reborn. Reborn’s main method of teaching Tsuna is the “Dying Will Bullet” (”Deathperation Shot” in Viz Media’s translation of the manga), which will make the person be “reborn” with a stronger self intent on fulfilling his dying will. Through his experiences, Tsuna unconsciously becomes stronger and more confident, which ultimately makes him better suited as the Vongola Family’s boss despite continuing to reject his Mafia inheritance.

Tsuna goes through many predicaments in his progress of becoming the Vongola boss including fighting against escaped Mafia convicts posing as Kokuyo Junior High students. Later, The Varia, a rival group of Vongola assassins, claim the right for their boss to be the true Vongola boss, and start a competition to decide it. To defeat the Varia, Reborn recruits most of Tsuna’s schoolmates to become the Vongola guardians: Hayato Gokudera, a dynamite expert who wishes to be his right-hand man, Takeshi Yamamoto, a baseball player who thinks the Mafia is a game, Ryohei Sasagawa, the energetic captain of the school boxing club, and Kyoya Hibari, the deadly head prefect. Lambo, a weak infant assassin who came to kill Reborn, and Chrome Dokuro, a girl who is sometimes possessed by the criminal Mukuro Rokudo, joins them as well. After defeating the Varia, Tsuna and his friends are accidentally transported to the future where they must face the Millefiore Family, which is annihilating the Vongola.

Ayun, episode 93 na ako. Hehe. ^_^


comment? / top


title: KINDNESS!
date: Wednesday, February 11, 2009
time:3:45 AM
Kindness Tao. Matalino. Mabait. Maingay. Iba iba. Sweet. Maharot. Masayahin. Espisyal. Kakaiba.

Mula sa pinagsama-samang kaguluhan ng 2 Love, 9 Faith, 12 Hope at 14 Peace, at 4 na nanggaling sa mga kabuteng paaralan at 1 balik-bayan, ang Kindness ay nabuo.
Kindness, tila isang mala-langit na katawagan, ngunit, sa likod ng kahali-halinang pangalan, isang klaseng mala-kitikiti at bubuyog sa kaharutan at kadaldalan ang pangkat na ito.
Binubuo ng 22 masunurin ngunit makukulit na babae at 19 na mahaharot ngunit charming na lalaki.
Lahat ng klase ng bata ay nandito: tamad na gwapo, matalinong panget, maharot na makulit, makulit na tahimik, matalinong adik, adik na adik.
Mula sa Presidente hanggang sa Rank 41, lahat iisa ang takbo ng isip. Iisa.
Parang langgam na masipag sa daldalan at maharot, pero parang koala sa room pag may klase.
Kahit ganto, iisa lang ang meron kami na hindi mapapantayan ng iba, ang pagiging KINDNESS, pagiging kakaiba.
Kakaiba kaming magmahal, magalit, mapikon, rumesbak at magtampo. Ibang iba.
Matalino kami, sa paraang paano lumusot sa mga nag aalburotong teacher na kami ang sinisisi, pero sa huli, magiging maamong tupa din.
Sa paraang kahit maingay, may naiintindihan. Pag wala, matalino sa kung paano kukumbinsihin ang katabing tulungan siya.
Mabait kami sa mabait sa amin. Mabait dahil masunurin kami, pero laging nasa mood para sa mahabang sermon. Biyaya ng Diyos para sa mga tinatamad na bata.
Maingay, mukang hindi. Palakwento, okay pa. Kaya kami umiingay, ay dahil madaming maiikukwento.
Iba iba, dahil iba't ibang tao kami. Iisa man ang nasa isip, iba iba naman ang damdamin. May natutuwa, may magagalit.
Sweet, sabi nga ng butihing gurong tagapayo ng pangkat na ito, si G. Joel Santos, ngayon lang nya naramdaman na isa siyang guro.
Dahil SA AMIN LANG niya naramdaman ang ganun. How nice?
Maharot. Jamming. Slaman. Yan ang magulong buhay ng Kindness, pinamumunuan ni Pantig, na ngayon ay nasa kanilang bahay na.
Masayahin, isa napakamagandang ugali. 'Yan ang panlaban namin sa mga galit ng kaklase at badtrip sa teacher.
Kahit galit, hindi namin nkakalimutan ang ngumiti. Isang masayang alaala.
Espesyal kami. Lahat tayo. Kami, espesyal children. Dahil special talaga kami. Gets mo?
Iyan ang kindness. Isang memorable, masayahin at walang iwanang samahan.




comment? / top


title: Let's turn back the Pendulum!
date: Monday, February 9, 2009
time:6:37 AM
Let's turn back the Pendulum!

nkita ko ung klasmate ko dati sa South. Naalala ko pa, ang liit liit nya tapos, laging kasama ung pinsan nya. Pero ngaun, ang haba na ng buhok nya tapos medyo tumangkad ng 1 inches. hehehehe. Di ayun, simula ng flashback sa utak ko. Ise-share ko [Bob Ong style!]

Grade 1

bagong pasok sa bagong school sa bagong baitang na may bagong bonggang bonggang gamit [eg. bag,lapis,notebook,books,pencil case,crayon atbp.]. Habang binabasa ko ulit tong paragraph na to, napinsin ko na tadtad pla ng salitang bagong ang paragraph ko. E ganun talaga e. At tandang tanda kopa ang bestfriends ko, si Bryan at Klar [sa kasamaang palad, si Klar na lang ang lagi kong nakikita dahil nasa iisang school kami ngaung highschool pero parang nagkita lang kami nung orientation ng first years last year. AT si Bryan, bka nsa bikini bottom na ngaun at humihinga gamit ang mga hasang nya.]

Grade 2

Di ko na kaklase si Bryan, pero si Klar, klasmate ko pden. Dito ko unang natutunan ang mag add at minus.

Grade 3

Klasmate ko pden si Klar. Noong taon na ito, una kong naranasan mag-ibang lugar dahil sa tinatawag na field trip.

Grade 4

Klasmate ko pden si Klar.

Grade 5

Klasmate ko pden si Klar. At for the very first time in my monsteriuos school with my evil teachers and tyanak reincarnate classmates, nagtop9 ako! YAHOOOOOOOOOO! [kakapagod mag English]. Pero isang grading lang, nagkaroon kasi ng strike nun at 5 lang kaming pumasok kaya nadagdagan ang points ko, to cut the long sttory short, chamba lang.

Grade 6

Klasmate ko pden si Klar. alam kong iyan ang iniisip ng polluted nyong utak, pero hindi na. Hahahahaha! Sa taong ito ko naranasan ang lungkot pag bakasyon, at skit ng batok sa last exams, nkabitin kasi ako, bale sa bangin, isang maling galaw lang e, malalaglag na ako at siguradong ikakasama ko. Kaya nung grumaduate ako, roud na proud akong sabihin " May honor ako, GRADUATE! HAHAHAHAHA!"

1st Year High School

bagong pasok sa bagong school sa bagong baitang na may bagong bonggang bonggang gamit [eg. bag,lapis,notebook,books,pencil case,crayon atbp.]. Habang binabasa ko ulit tong paragraph na to, napinsin ko na tadtad pla ng salitang bagong ang paragraph ko. Yan ang tunay na drama ng first. first year, bagong klasmate at bagong environment. Hayyy, noong first day, unang kong nkausap si Rizelle (na kahit unang kinibo ko ay siyang huling kibuan din namin) tapos, ayun,ako'y nasa section... PEACE! sa totoo lang, nadismaya ako dahil sa expectations ng magulang ko, ayun. At matalino na ako, top 7 nung first grading, 10 nung second,6 nung third, ewan nung forth.

2nd Year High School

eto na ako ngaun. KINDNESS, pinamumunuan ni G. Joel Santos, ang papalicious and di mawari. hahaha. Kasama ng buong gang, laging tumatalsik ang laway ng mga nag aalborotong teachers dahil sa ingay, discipline at katamaran. idadagdag pa ang amoy ng room, sa bagay, kahit kami nagrereklamo na gawa ng mga militar ang amoy na un, [isisi lahat sa militar, harhar] Pero OK lang, lahat kami, ganun ang takbo ng utak, kaya kami magkakasundo, Kaya rin siguro nahirang na president [o taga kunsinte] ang Class President namin [ na nanalo yata dahil sa vote buying * opppss, uso un ha! isang candy lang * ]. Pero maayos naman, seryoso kung seryoso, adik kung adik.
Sala sa init, sala sa lamig, parang hunyango ako ngaun. Kung kani-kanino sumasama. Basta ililibre ako, solb na ako. Pero si Roksan at Riya ang lagi kong kasama at magcha-tsaga sa katalinuhan ko. Oo nga pla, kung dati nung elem ako ay halos ikamatay ko ang pagkahulog sa bangin ng pag aaral, ngaun, ako na ang nangunguna. Top 1 ako, from first grading to third. O dba?!

* sa ngayon, yan lang ang maitatala ko. Yan plang ksi ang inaabot ng kamay ng kapalaron at nahahabol ng tumatakbo kong panahon. Kaya, yan muna.


K A T R I N A / /


comment? / top


title: Mirai Nikki Mosaic
date: Sunday, February 8, 2009
time:5:10 AM
currently reading.. about they get their diaries..


comment? / top