title: KINDNESS!
date: Wednesday, February 11, 2009
time:3:45 AM
Tao. Matalino. Mabait. Maingay. Iba iba. Sweet. Maharot. Masayahin. Espisyal. Kakaiba.
Mula sa pinagsama-samang kaguluhan ng 2 Love, 9 Faith, 12 Hope at 14 Peace, at 4 na nanggaling sa mga kabuteng paaralan at 1 balik-bayan, ang Kindness ay nabuo. Kindness, tila isang mala-langit na katawagan, ngunit, sa likod ng kahali-halinang pangalan, isang klaseng mala-kitikiti at bubuyog sa kaharutan at kadaldalan ang pangkat na ito. Binubuo ng 22 masunurin ngunit makukulit na babae at 19 na mahaharot ngunit charming na lalaki. Lahat ng klase ng bata ay nandito: tamad na gwapo, matalinong panget, maharot na makulit, makulit na tahimik, matalinong adik, adik na adik. Mula sa Presidente hanggang sa Rank 41, lahat iisa ang takbo ng isip. Iisa. Parang langgam na masipag sa daldalan at maharot, pero parang koala sa room pag may klase. Kahit ganto, iisa lang ang meron kami na hindi mapapantayan ng iba, ang pagiging KINDNESS, pagiging kakaiba. Kakaiba kaming magmahal, magalit, mapikon, rumesbak at magtampo. Ibang iba. Matalino kami, sa paraang paano lumusot sa mga nag aalburotong teacher na kami ang sinisisi, pero sa huli, magiging maamong tupa din. Sa paraang kahit maingay, may naiintindihan. Pag wala, matalino sa kung paano kukumbinsihin ang katabing tulungan siya. Mabait kami sa mabait sa amin. Mabait dahil masunurin kami, pero laging nasa mood para sa mahabang sermon. Biyaya ng Diyos para sa mga tinatamad na bata. Maingay, mukang hindi. Palakwento, okay pa. Kaya kami umiingay, ay dahil madaming maiikukwento. Iba iba, dahil iba't ibang tao kami. Iisa man ang nasa isip, iba iba naman ang damdamin. May natutuwa, may magagalit. Sweet, sabi nga ng butihing gurong tagapayo ng pangkat na ito, si G. Joel Santos, ngayon lang nya naramdaman na isa siyang guro. Dahil SA AMIN LANG niya naramdaman ang ganun. How nice? Maharot. Jamming. Slaman. Yan ang magulong buhay ng Kindness, pinamumunuan ni Pantig, na ngayon ay nasa kanilang bahay na. Masayahin, isa napakamagandang ugali. 'Yan ang panlaban namin sa mga galit ng kaklase at badtrip sa teacher. Kahit galit, hindi namin nkakalimutan ang ngumiti. Isang masayang alaala. Espesyal kami. Lahat tayo. Kami, espesyal children. Dahil special talaga kami. Gets mo? Iyan ang kindness. Isang memorable, masayahin at walang iwanang samahan.
comment?
/ top
|
|